Dose of Sunshine

Powered by Blogger.


1. Find a partner. Hanapin mo ung taong makakasabayan mong lumaban sa laro at magiging daan ng pagkapanalo niyo.

2. Try to set a play. Yung bago palang magcompetition alam niyo na yung moves na gagawin kasi napagplanuhan na at gamay niyo na yung paglalaro.

3. Be persevering. Ito yung dapat hindi mawala kapag naglalaro na. No matter how hard the game is, keep trying.

4. Huwag maingay. Instead, magconcentrate at magfocus nalang. Nothing's bad kung naka-game face on ka. #IntenseKungIntense

5. Matutong makiramdam sa kapwa team mates. Pag alam mong may mas magaling sa'yo siya na palaruin mo. Baka kasi kailangan na sila na lang talaga muna para sa ikapapanalo ng team.

6. Practice hard, but play harder. Hindi porket magaling ka sa practice eh magaling ka na sa actual game. Baka pinagbigyan ka lang, kasi nga 'practice' lang naman daw eh.

7. Dapat alam mo ung advantage mo at maicocontribute sa game. Sayang naman kasi dba kung alam mo na hindi ka na nga magaling as foosball men or goalie eh ipipilit mo pa. #CompetitiveLang

8. Be aggressive. Wag kang malamya magbantay at tumira. Minsan maganda na sinisindak din  yung kalaban para hindi ka masyadong . Play like there's no tomorrow.

9. Kung manalo kayo, aba eh congrats! Keep playing and be passionate. Kung matalo, better luck next time, tanggapin mo nalang na ganun talaga. Laro lang din naman lahat yan. :)


Foosball talaga yung pinakabet kong game sa lahat, and sad to say hindi kami nakasali sa final round. Hay! Dbale, bawi nalang ulit...next year! However, nakapasok sa final round yung isa pang group ng team namin. So as one, Go DTM!!!! :)





Share
Tweet
Pin
Share
No comments


Uno Stacko Tower
1. Bago pa magsimula ang laro, dapat alamin mo na pano mo sisimulan. Nadadaan ang lahat sa tamang phasing at strategy. May kanya kanyang galawan lang yan. #Breezy #Hokage

2. Be persevering. May ilang segundo ka lamang para makuha ang block sa tower. It is either kukunin mo yung block o magccounter ka/magpapass ka. It is either ipupursue mo o hindi.

3. Kapag alam mo ng patumba ang tower, ayusin mo muna ang mga blocks na foundation nito. Dahil kapag 'di mo inayos ay magiging 'shaky' to at matutumba to. Sayang naman dba?

4. Hangga't kaya, ipaglaban. Mabuti na rin magtake risk paminsan-minsan. Tira lang habang may pagkakataon pa. Sayang naman kasi yung chance na andyan na siya sa harap mo eh papakawalan mo pa.

5. Look for other options. Kung ang block na gusto mong kunin ay mahirap o impossible talagang kunin, wag mo na ipilit. Tama na dahil baka ikaw pa maging dahilan kung bakit natalo team niyo. Try mo humanap ng iba, ibang ways para makuha yung block na pwede maging daan sa pagkapanalo ng team niyo.

6. Pag ayaw 'wag ipilit. Kapag masikip at mabigat ang pwesto ng block na gusto mong kunin at alam mong hindi na matibay ang foundation ng tower, wag mo nang kunin pa. Mahirap ipilit ang bagay bagay kapag ayaw talaga.

7. Kung matalo ka man sa round ngayon, bawi ka nalang sa next round. Ipakita mo nalang na mas kaya mo na at mas babawi ka at ngayon makasisiguro ka na handa ka na talaga. Yung tipong alam mo at gising ka na sa katotohanan.

8. Make every chance worth it. Bihira lang nabibigyan ng chance eh. Yun iba nga hanggang first and last chance lang. Kaya make every try worth it. Malay mo yun pala yung magpapanalo sayo/sainyo.

Ilang lamang 'yan sa mga natutunan ko sa larong Uno Stacko. Marami ka pang ibang matututunan lalo na't pag sinubukan mo na talaga. Kanya kanyang experience lang yan. Isama mo dapat sa laro yung mga taong nageenjoy ka kasama. Worth the experience naman eh. :)


* Credits to Raine Edrosa for the photos.





Share
Tweet
Pin
Share
No comments
Older Posts

Pages

  • Home
  • About
  • Contact

About me



My name is Christia.
This is a blog that talks about anything under the sun. Anything about the author -- whereabouts, arts and crafts, DIYs, love and a lot more! Enjoy!

Labels

  • ArtsAndCrafts (1)
  • Cause (1)
  • Crafts (1)
  • DIY (1)
  • Fashion (1)
  • Food (1)
  • Italy (1)
  • Journal (1)
  • Mountaineering (1)
  • Music (2)
  • OOTD (2)
  • Photography (3)
  • Rants (2)

recent posts

Blog Archive

  • June (1)
  • December (3)
  • November (1)
  • October (1)
  • April (2)
  • March (3)
  • February (6)

Twitter

Tweets by Christia Sanz

Created with by BeautyTemplates| Distributed By Gooyaabi Templates